Inaresto ng mga otoridad ang vlogger na si Norman Mangusin,o kilala bilang si “Francis Leo Marcos,”.
Nahaharap si Mangusin ng three counts ng cyberlibel na isinampa ng asawa ng isa pang vlogger.
Kinumpirma ni National Police Commission (Napolcom) Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Calinisan na nakipag-ugnayan sa kanila ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ukol sa nasabing kaso.
Isinilbi ang warrant kay Mangusin sa isang hotel sa lungsod ng Paranaque.
Ang nasabing warrant of arrest ay inilabas ng Parañaque Regional Trial Court Branch 294 kung saan mayroong itinakdang piyansa ang bawat isa na tig-P30,000.
Dinala si Mangusin sa District Special Operations Unit ng CIDG si Mangusin para sa booking at dokumentasyon.
Nananatili ito sa kustodiya ng mga kapulisan habang hinihintay ang commitment order para sa kaniya.















