-- Advertisements --

Naglabas ng mga precautionary instruction ang Prime Minister’s Office ng Japan matapos magpakawala ng panibagong ballistic missile ang North Korea ngayong Sabado ng umaga, Oktubre 3.

Ayon sa militar ng South Korea at pamahalaan ng Japan, itinutok ang missile sa karagatang sakop ng silangang baybayin ng Korean Peninsula.

Batay sa pahayag ng South Korean military, ipinutok ang missile mula sa bahagi ng Wonsan noong bandang 6:30 ng umaga ngayong Sabado (21:30 GMT, Biyernes).

Gayunpaman, hindi pa naglalabas ng karagdagang detalye ang mga awtoridad ukol sa eksaktong layo ng itinakbo nito.

Samantala, naglabas na rin ng babala ang Japan Coast Guard, batay sa ulat ng Japanese Ministry of Defense, na nagsasabing bumagsak na sa dagat ang naturang missile.

Pinag-iingat na rin ang lahat ng mga sasakyang-pandagat na dumadaan sa naturang rehiyon.