Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsagawa ng 24 oras na pagsasaayos sa kahabaan ng EDSA sa darating na Holy Week.
Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon, na layon ito ay para mapabilis ang rehabilatasyon ng EDSA.
Mula kasi ng magsimula ang pagsasaayos ng unang bahagi ng Roxas Boulevard patungo sa EDSA Orense sa Makati City noong Disyembre 24, 2025 ay nasa halos 50 percent na silang natapos.
Layon nila ay matapos ang buong kalsada pagdating ng Mayo at makumpleto naman ang improvement ng sidewalks hanggang Hulyo 2026.
Makikipag-ugnayan sila sa iba’t-ibang ahensiya gaya sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maisakatuparan ang nasabing proyekto.
Sa kasalukuyan kasi ay isinasagawa nila ang reblocking at asphalt overlay sa EDSA mula ala-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga para hindi makasagabal sa daloy ng trapiko.
















