Ipatutupad na rin ni MMDA General Manager Nicolas Torre III ang five-minute response policy para sa mga traffic accidents.
Ang naturang polisiya ay unang ipinatupad ni Torre sa PNP ng siya ay hepe pa nito.
Ayon kay Torre, nakatakdang i-launch ang bagong polisiya sa mga susunod na araw kung saan ngayong linggo aniya ang huling linggo ng pagsasanay at dry-run.
Naniniwala si Torre na talagang siksikan na ang mga kalsada at lalo pa itong sisikip kapag nagkaroon ng banggaan sa daan.
Batay sa tala ng TomTom Traffic Index for 2025 , ang mga motorista at commuter sa Pilipinas ay gumugugol ng pinakamaraming oras sa trapiko sa buong Asya.
Pilipinas rin ang lumalabas sa pag-aaral na kabilang sa most congested country sa Asya na may 45% congestion level .
Sinusundan ito ng India at Singapore na parehong may 37% congestion level .
Sa kabila nito ay tiniyak ni Torre na patuloy silang hahanap ng paraan para maresolba ang problema sa trapiko sa bansa.















