-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao sa naganap na sunog sa lungsod ng Pasay.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na mag-ama ang mga biktima na hindi na nakalabas sa kanilang nasunog na bahay.
Nangyari ang sunog dakog alas-6 ng gabi nitong Huwebes, Marso 12 sa residential area ng P. Villanueva St. sa Barangay 85, Pasay City.
Umabot ng mahigit dalawang oras bago tuluyang maapula ng mga otoridad ang apoy.
Bahagyang nahirapan ang mga bumberong rumesponde dahil sa sikip ng lugar.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.
















