Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Marso 20, 2026 bilang regular holiday sa buong bansa dahil sa obserbasyon sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Feast of Ramadan.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro , isinagawa ng pangulo ang anunsiyo noong makasama niya ang mga miyembro ng Muslim community at leaders sa bansa na ginanap sa Grand Liftar sa Malacañang.
Dagdag pa nito na ang deklarasyon ay kumikilala sa kahalagahan ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng holy month ng Ramadan.
Kasabay din nito ay ipinaabot ng Palasyo ang pagbati sa mga Muslim community sa bansa at sa buong mundo habang naghahanda sila sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Sa nasabing okasyon ay nagtitipon-tipon ang mga Muslims kung saan nagdiriwang sila kasama ang mga pamilya at kaibigan.
Sama-sama silang nagdarasal at pagkatapos ay magkakaroon sila ng kasiyahan.
















