Isasagawa ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “Oplan Kontra Baha” Summit.
Layon nito ay para makahanap ng solusyon sa lumalalang pagbaha sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III na kasama nila ang pangunahing ahensiya gaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
May ilang mga stakeholders at mga private entities ang magbibigay ng kanilang mga kaalaman.
Gaganapin ito sa Central Office ng DPWH kung saan ilan sa mga naimbitahan ay sina Dr. Guillermo Tabios III ng University of the Philippines at si Dr. Alfredo Mahar-Lagmay na executived director ng Project NOAH.
Umaasa si Torre na sa nasabing summit ay makakakuha ang mga alkalde sa Metro Manila ng mga kaalaman para maiwasan na ang malawakang pagbaha.















