-- Advertisements --

Naglabas ng babala ang State Weather Bureau sa publiko kaugnay ng posibleng makaranas ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke ang mga mamamayan kasunod ng inaasahang pagpalo ng heat index sa 39°C sa Cotabato City, Maguindanao ngayong Linggo.

Ayon sa state weather bureau, ang nasabing temperatura ang pinakamataas na naitala sa buong bansa ngayong araw, dahilan upang isailalim ang lungsod sa extreme caution category.

Saklaw ng kategoryang ito ang mga lugar na nakapagtala ng heat index na mula 33°C hanggang 41°C, kung saan mapanganib ang matagalang pagkabilad sa araw.

Bukod sa Cotabato City, umabot din sa extreme caution level ang naranasang alinsangan sa ilang lugar sa bansa.

Naitala ang 36°C na heat index sa General Santos City, South Cotabato at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Pumalo naman sa 34°C ang naramdamang init sa Dumangas , Iloilo; Catarman, Northern Samar; CMU Agromet, Musuan , Bukidnon ; at Davao City, Davao Del Sur.

Samantala, umabot sa 33°C ang heat index sa Coron, Palawan; Coron, Palawan; Puerto Princesa City, Palawan;Roxas City, Capiz;Roxas City, Capiz;La Granja, La Carlota, Negros Occidental ; at Butuan City , Agusan Del Sur