-- Advertisements --

Ipinagdiwang ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang ika-64 na kaarawan nitong Miyerkoles sa pamamagitan ng pahayag na muling iginiit ang kanyang paninindigan sa hustisya, soberanya, at patriotismo sa gitna ng umano’y international charges laban sa kanya.

Sinabi ni Dela Rosa na nasa mabuting kalusugan siya at haharap sa anumang kaso sa Pilipinas at sa ilalim ng mga korte ng Pilipinas, at tinutulan ang ideya ng pagsuko sa foreign jurisdiction na aniya ay paglapastangan sa sakripisyo ng mga bayani at sundalo.

Naging absent ang senador mula Nobyembre 2025 matapos umalingasaw ang isyu na may arrest warrant umano mula sa International Criminal Court, bagay na hindi kumpirmado.

Binanatan din niya ang mga kritiko na aniya ay “masigasig” na isuko ang kapwa Pilipino sa dayuhan at pinasalamatan ang mga tagasuporta para sa dasal at suporta. (report by Bombo Jai)