-- Advertisements --

Inihayag ng Bureau of Customs (BOC) na mayroon pang supply ng langis at iba pang produktong petrolyo ang bansa na aabot pa sa loob ng dalawang buwan.

Ani Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, ang supply na ito ay magmumula sa Department of Energy (DOE).

Ito ay kaugnay pa rin ng ongoing armed conflict sa Middle East na siyang pangunahing supplier ng mga produktong petrolyo sa mundo.

Ani Nepomuceno, nakatakda nilang siyasatin ang mga oil company warehouses para masiguro na walang magiging artificial shortage ng langis sa bansa.

Samantala, nauna naman na rito ay inihayag na rin ng DOE na mas palalakasin din nila ang kanilang mga monitoring laban sa mga posibleng fuel hoarding at maski sa hindi makatarungang pagtataas ng presyo sa krudo o profiteering.

Maliban naman dito, sinabi rin ni Nepomuceno na makakaapekto rin ang giyera sa Gitnang Silangan sa mga tax collections ng bansa mula yan sa mga poroduktong petrolyo kung saan kumikita ang Pilipinas nang hindi bababa sa P330 hanggang P410 bilyon kada taon mula sa mga oil taxes.

Patuloy naman na naghahanda ang DOE at maging ang iba pang katuwang na ahensya ng kanilang mga contingency plans upang maiwasan ang mga posibleng paglala ng epekto nito sa supply ng krudo at paggalaw ng presyo ng mga naturang produkto