Kinuwestiyon ni Senator Rodante Marcoleta si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson kung bakit hindi nito imbestigahan ang alegasyon ng umanoy 18 dating Marines.
Sa kaniyang privilege speech, sinabi ni Marcoleta na dapat ay magkaroon ng pagdinig sa isinawalat ng mga dating Marines.
Dagdag pa nito malinaw ang nalalaman nila na isinama sila ni Zaldy Co at nagdeliver ng maleta sa bahayng Pangulo sa Ilocos Norte.
Wala aniyang ginawa si Lacson na imbes na ipresenta ito sa publiko ay kinuwestiyon pa nito ang kanilang mga kredibilidad.
Hindi rin aniya ipinatawag ni Lacson ang ilang mga personalidad na binanggit ng mga 18 Marines.
Inakusahan pa nito ang senador dahil kung si dating Speaker Martin Romualdez ang iniuugnay sa kontrobersiya ay agad na kinukuwestiyon ang mga nag-aakusa.
Sa kasagutan naman ni Lacson ay sinabi nito na ang mandato ng Senate Blue Ribbon Committee ay para ilabas ang katotohanan kaysa magpakita ng walang mga laman na alegasyon.
















