-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Senado ang panukalang batas na naghihigpit sa mga menor de edad sa paggamit ng social media.

Ang Senate Bill No. 2424, or the Safe Media Access and Responsible Technology for Kids in Digital Spaces (SMART KIDS) bill na ipinanukala ni Senator Robin Padilla ay pasado na sa ikatlo at huling pagbasa.

Nakakuha ng 16-1 na pagboto mula sa senador kung saan magpapatupad ng age-asssurance systems at paghihigpitan o tatanggalin ang mga accounts ng mga menor de edad na nasa “high risks’ na naiimpluwensiyahan ng nasabing mga online games gaya ng Roblox at Gorebox.

Tanging si Senator Risa Hontiveros ang kumnontra sa nasabing panukalang batas kung saan bingyang halaga nito ang paggamit ng social media sa araw-araw na buhay ng mga bata.

Inihalimbawa nito ang 17-anyos na working students na gumagamit ng social media para sa kaniyang online selling ganun din ang mga bata na ang mga magulang ay nasa ibang bansa na gumagamit ng social media para magkausap.

Nakalaan sa panukalang batas na ang mga digital platform na hindi susunod ay papatawan ng multa ng mula P5 milyon hanggang P20-M kada paglabag kasama ang arawang multa ng P100-K kapag hindi sila nag-comply.

Binigyang halaga naman ni Senate President Sherwin Gatchalian ang nasabing panukalang batas na ito na ang maaaring kasagutan para tuluyang matigil ang tinatawag na online groomers.

Habang sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ito ay “landmark” bill na kailangan ng bansa para sa paggabay at ma-regulate ang paggamit ng social media.