Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magiging pare-pareho ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP)sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, nakipag-ugnayan na ang ahensya sa mga local government unit o LGU upang maiwasan ang kalituhan at magkakapatong na operasyon ng mga traffic camera.
Sinabi ni Artes na magkakaiba ang lokasyon ng mga camera ng MMDA at LGU kaya walang posibilidad na dalawang beses mapatawan ng penalty ang isang motorista para sa iisang paglabag.
Batay sa datos ng MMDA, nasa 1.5 milyon na traffic violations ang na-flag ng ahensya mula ng inimplement muli yan hanggang Setyembre ngayong taon. Nasa 500,000 na ang nakumpirma.
Dahil dito, hinikayat ni Artes ang iba pang LGU sa Metro Manila na ipatupad din ang NCAP sa kanilang mga lugar upang maging mas malawak at pare-pareho ang sistema ng traffic enforcement.













