Nais i-padrug test ni Interior Secretary Jonvic Remulla si Vice Mayor na si Harold Respicio ng Reina Mercedes, Isabela kaugnay sa naging asal nito sa kanilang regular session.
“Gusto ko ipa-drug test muna. Tingin ko talaga ay adik eh”
Ani Remulla, ngayon lamang siya umano nakakakita ng isang public official na nanigaw ng kanyang constituents.
“Kasi ngayon lang ako nakakita ng vice mayor na kung manigaw gan’on eh diba.” Parang nakasinghot kung umasta eh.”
Dagdag pa ni Remulla, na tila ba wala ito sa kanyang sarili kung ito ay kumilos.
“Papa-drug test ko muna parang wala sa sarili eh.”
Matatandaan din na mariing pinuna ni Remulla ang naging gawi ng Respicio, at sinabi rin niyang ito ay “inexcusable behavior”
Matatandaan na nagkaroon ng mainit na palitan ng argumento ang mga barangay officials habang isinasagawa ang kanilang municipal forum, patungkol sa umano’y maanomalyang paggamit ng P66 million tobacco excise tax funds.
Kaagad ring kumalat ang video kung saan nagsisigawan ang mga public officials sa forum noong Oktubre 5.
Tumaas ang tensyon ng magtanong si Respicio sa barangay chairperson ng Sinippil patungkol sa isang proyektong nagkakahalaga ng P5 milyon.
Na siya namang binigyang diin ng bide alkalde na dapat mapunta ang tobacco excise tax allocation sa mga tobacco farmers ayon sa government guidelines.
“Magnanakaw”, ang paulit-ulit na sinasabi ni Respicio sa barangay chairperson.
Na siya namang tinugunan ng barangay official at sinabing hindi nagtatrabaho ng maayos si Respicio bilang bise alkalde ngunit patuloy itong nakatatanggap ng kanyang sahod.
Agad namang inawat ng mga pulis ang dalawang government officials at ipinagpatuloy ang forum discussion.
















