Mas ikinabahala pa umano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang posibilidad ng panununtok ni VP Sara Duterte. noong siya ay naghain ng kaniyang bail sa isang Regional Trial Court (QC) sa QC dahil sa kinakaharap na kasong tatlong counts ng grave threats.
Ito ay kung ikukumpara sa posibilidad ng pagkakaroon ng mga kilos-protesta ang ilang grupo para lang ipagtanggol si VP Sara.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, mas inalala umano nila ang posibleng reaksiyon ng bise sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group na magsisilbi ng warrant of arrest laban sa kaniya.
Dati na aniyang nagawa ng pangalawang pangulo ang panununtok sa isang court sheriff habang siya ay nagsisilbi noong bilang local executive ng Davao City.
Inihayag pa ni Remulla na hindi nila kinagat ang drama na nais ipalabas ni VP Sara Duterte na posasan siya at makulong, umiral din aniya ang pagrespeto nila sa posisyon ng Bise Presidente
AV1 – Remulla on Sara
Paliwanag pa ni Remulla, mayroon 400 na security personnel na nakatalaga kay VP Sara kaya hindi na nila kailangan ang surveilance para sa kaniyang kaligtasan.
Ito ay matapos na mailabas ang kaniyang warrant of arrest dahil sa 3 counts of grave threats
Ginawa ni Remulla ang pahayag kasunod ng sinabi ni VP Sara na wala siyang tiwala sa korte at sa mga pulis, bago siya tuluyang pumasok sa loob ng RTC upang maghain ng kaniyang bail.
















