-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes sa mga politiko laban sa paglabag sa anti-“epal” rules, na maaaring kaharapin ang administrative sanctions, mula sa suspensyon hanggang posibleng referral sa Office of the Ombudsman para sa mga paulit-ulit na mga pag-labag.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ipinagbabawal ng mga guidelines mula sa Department of Budget and Management at Office of the President ang paggamit ng pangalan, larawan, o logo ng mga politiko sa kahit anumang proyekto na pinondohan ng gobyerno.

Dahil dito hinikayat ng DILG ang publiko na mag-post kung may makitang violation ang mga politiko.

Binigyang-diin pa ng DILG chief na dapat ang makita lang sa project markers ay ang project title, petsa ng award, start at completion dates, contractor, at source of funds.

Suportado rin ng DILG ang panukalang batas para sa mas malinaw at mas mabigat na parusa laban sa “epal” practices.