-- Advertisements --

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Bulacan Governor Daniel Fernando, na isuko ang mga baril na nakapangalan sa kaniya, ganun din mga baril ng kaniyang escorts at mga sasakyan na sangkot sa umano’y road rage sa North Luzon Expressway.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, na agad niyang tinawagan si Fernando matapos na matanggap ang ulat.

Sinabi nito na may ugali talaga si Fernando na kapag bumabiyahe sa NLEX ay sinasakop niya ang apat na linya sa NLEX kaya walang puwedeng mag-overtake.

Una kasing naiulat na anak umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nasangkot sa road rage na mariing pinabulaanan naman ng Malakanyang.

Nagsasagawa na rin ang Land Transportation Office (LTO) ng imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.