-- Advertisements --
Malaki ang paniniwala ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nasa Pilipinas pa rin ang negosyanteng si Charlie Atong Ang.
Sinabi ng Kalihim na hindi sila humihinto na hanapin si Ang kahit na mayroong mahigit 80 mga raids ang kanilang isinagawa sa mga posibleng kinaroroonan nito.
Dadag pa nito na mahirap ang magtago sa ibang bansa kahit na maraming pera ang nasabing negosyante.
Lahat aniya ng mga impormasyon na maaring pagtaguan ni Ang ay kanilang pinupuntahan.
Magugunitang itinaas na sa P20-milyon ang reward money para mahanap ang negosyante na siyang itinuturong utak sa pagkawala ng mga sabungero.
















