-- Advertisements --

Inanunsyo ng Association of Southeast Asian Nation Summit 2026 ang ilang alternatibong ruta sa paligid ng Cultural Center of the Philippines Complex kaugnay sa nalalapit na pagdating pa ng ilang mga delegado ng iba’t-ibang bansa sa Southeast Asia ngayong buwan.

Narito naman ang ilang alternatibong ruta:

For northbound traffic (Along Diokno Blvd. and Macapagal Blvd., going to Roxas Blvd.)

  • Right onto Seaside Blvd.
  • Right onto Macapagal Blvd.
  • Left onto EDSA
  • Left onto Roxas Blvd.
  • Right onto EDSA
  • Right onto Diokno Blvd.
  • Right onto Macapagal Blvd.

Mula October 24 hanggang November 8, ang kabuuan ng Cultural Center of the Philippines Complex ay nasa ilalim ng Phase 1 o “controlled access”. Kung saan may mga nakatalagang checkpoints at designated exclusion zones. Magkakaroon din ng screening at verification bago makapasok.

Samantala, ang Phase 2 naman o “Restricted Access’ ay ipapatupad sa November 9 hanggang 18. Lilimitahan naman ang mga pagpasok, at tanging mga awtorisadong tauhan at mga sasakyang may valid credentials ang maaari lamang makapasok.

Inaabisuhan naman ang mga motorista na magplano na ng mas maaga at planuhin na rin ang mga maaaring alternatibong ruta bago ang pagsasara at paghihigpit sa paligid ng CCP.

Una na nang inanunsyo ng Palasyo Malacañang bilang holiday ang November 16 hanggang 18 para sa 49th ASEAN Summit and Related Summit.