-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na maaaring umabot sa P10 kada litro ang dagdag-presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo, kasunod ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na nakaapekto sa pandaigdigang merkado ng langis.

Ayon kay Rino Abad, direktor ng DOE-OIMB, kung tataas ng USD20 kada bariles ang presyo ng krudo, posibleng maranasan ng mga motorista ang dagdag na presyo ng produkto.

Dagdag pa niya, sa unang araw pa lamang ng trading ay nakikita na ang epekto sa presyo ng langis.

Bukod dito, sinabi ni Abad na nakikipag-ugnayan na ang DOE sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Agriculture (DA) para sa posibleng pagpapalabas ng fuel subsidies.

Ang naturang ayuda ay maaring ipatupad kung ang presyo ng Dubai crude ay aabot sa USD80 kada bariles sa loob ng isang buwan. (report by Bombo Jai)