Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang karagatan timog-silangan ng Balut Island nitong madaling araw ng Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa earthquake information bulletin ng ahensya, naganap ang pagyanig dakong alas-1:22:19 ng madaling araw nitong Marso 1.
Natukoy ang epicenter nito sa 93 kilometer south, 48 degrees east ng Balut Island, na sakop ng bayan ng Sarangani.
Sinabi ng Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 56 kilometro sa ilalim ng seabed, dahilan upang maramdaman ito sa ilang kalapit na lugar.
Gayunman, nagbabala ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng mga aftershock kaya pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga ipinatutupad na safety protocol.















