-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang puwersa ng pamahalaan ang sangkot sa naiulat na serye ng putukan ng baril sa Senado kagabi.

Sa isang pahayag, sinabi ng Pangulo na agad siyang nakipag-ugnayan kay DILG Secretary Jonvic Remulla para punatahan ang lugar.

Dagdag pa niya, kinausap din niya si NBI Director Melvin Matibag upang tiyakin kung may tauhan ng ahensya na pumasok sa Senado, na agad namang itinanggi ng NBI.

Ayon sa Pangulo, tanging mga lehitimong security forces lamang ang nasa loob ng Senado, kabilang ang Philippine National Police (PNP), Philippine Marines, at Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA).

Mariin ding itinanggi ni PBBM na may anumang utos na arestuhin si Senador Ronald ”Bato” dela Rosa.

Sinabi rin niya na kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente gamit ang CCTV footage upang matukoy kung sino ang nasa likod ng kaguluhan.

Nanawagan ang Pangulo sa publiko na manatiling kalmado habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado at PNP upang malaman ang buong katotohanan sa nangyari.