-- Advertisements --
Naitabla ng San Miguel Beermen sa 1-1 ang best of seven PBA 50th Season Philippine Cup finals nila ng TNT sa 111-92.
Nanguna sa panalo ng Beermen si Don Trollano na nagtala ng 22 points at apat na rebounds sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.
Dominado ng Beermen ang laro kung saan umabot pa sa 24 points ang kalamangan nila sa pagtatapos ng first half.
Pagpasok ng third quarter ay pinilit ng TNT na habulin ang kalamangan subalit hindi nagpapigil ang Beermen.
















