-- Advertisements --

Umabot sa mahigit apat oras bago tuluyang maapula ang sunog na sumiklab sa Barangay Pinyahan sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog sa residential area ng Barangay Pinyahan ng 9:44 ng gabi ng Biyernes, Marso 7.

Unang itinaas sa ikalimang alarma ang nasabing sunog dahil sa lawak at dami ng mga residente na nadamay.

Pasado ala-una ng ideklara ng Bureau of Fire Protection na kontrolado na nila ang apoy.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng nasabing sunog at kung magkano ang pinsala ng nasabing apoy.