-- Advertisements --
Maraming mga aral ang dadalhin ng Gilas Pilipinas para sa window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ito ay matapos na magkasunod silang tinalo ng New Zealand at Australia sa mga laro na ginanap pa dito sa Pilipinas.
Ayon kay Gilas head coach Tim Cone, na napakasakit ang nasabing pagkatalo dahil sa mismong homecourt pa sila tinalo ng mga visiting team.
Subalit nais nilang magkaroon ng mga pagbabago sa darating ng buwan ng Hulyo.
Aminado ito na magiging malaking hamon para sa kanila ang laro sa Hulyo dahil sa court ng New Zealand at Australia pa ito gaganapin.
Sa ngayon ay pinag-aaralan niyang mabuti ang ilang mga hakbang para magkaroon ng mas matibay na manlalaro na pantapat sa ilang mga koponan.















