-- Advertisements --
Nakamit ng Gilas Pilipinas ang unang talo sa window 2 ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers.
Ito ay matapos na talunin sila ng New Zealand 69-66 sa laro na ginanap sa MOA Arena.
May tsansa pa sana na madala sa overtime ang laro subalit hindi nakapasok ang three-points attempt ni Dwight Ramos sa ilang huling segundo ng laro.
Nagtala si Rmos ng 16 points at walong rebounds habang mayroong 15 points si CJ Perez.
Susunod na laban ng Gilas ay sa powerhouse na Australia sa araw ng Linggo.
















