-- Advertisements --

Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Martes, Marso 10 ang abogadong nag-nortaryo sa affidavit ng 18 dating Marines na si Atty. Charlie Pascual.

Ito ay bilang pagtalima ng abogado sa inisyung subpoena ng ahensiya.

Matatandaan, noong Lunes, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na hiniling ni Atty. Pascual na humarap ng mas maaga dahil mayroon siyang prior commitment sa araw ng Huwebes, Marso 12.

Inaasahan namang humarap sa NBI sa araw ng Huwebes, ang 18 umano’y dating sundalo, gayundin ang kanilang abogado na si Atty. Levito Baligod at si dating Congressman Mike Defensor at iba pang indibidwal na nakatanggap ng subpoenas.

Maaalala na nag-ugat ang subpoenas na inisyu ng NBI noong nakalipas na linggo matapos isiwalat ng 18 nagpakilalang dating sundalo sa isang pess conference noong Pebrero, na nagsilbi silang bagmen umano para kay dating Congressman Elizadly Co para sa pagdadala ng P805 billion na umano’y kickback mula sa maanomaliyang flood control projects.