Pinayagan ng Sandiganbayan Third Division ang hiling ng Sixth Division na pagsamahin ang mga kasong plunder at paglabag sa Presidential Decree No. 46 na isinampa laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
Kasalukuyang humaharap ang senador sa kasong plunder dahil sa hindi umano pagdedeklara ng mahigit P75 milyong donasyon mula sa kaniyang kapwa-akusado sa kanyang kampanya noong 2025 elections.
Kaugnay naman ng umano’y paglabag sa Presidential Decree No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na tumanggap ng regalo, ang hiwalay na mga kasong isinampa ng Ombudsman laban sa senador.
Nauna nang nakitaan ng korte ng probable cause para litisin sina Marcoleta at ang kaniyang mga kapwa-akusado na sina dating Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, at mga negosyanteng sina Aristotle Viray at Joseph Espiritu. Dahil dito, naglabas na rin ang Sandiganbayan ng mga arrest warrant laban sa kanila, na naaresto kalaunan.















