Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga obispo ng Pilipinas na palakasin ang pagkakaisa ng Simbahan at bigyang-pansin ang kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs) kasunod ng 131st Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Sa mensaheng ipinadala sa CBCP, ipinanalangin ng Santo Papa na nawa’y gabayán ng Espiritu Santo ang mga talakayan at pagpapasya ng mga obispo.
Binasa ni Archbishop Charles Brown, apostolic nuncio sa Pilipinas, ang mensahe ng Papa sa pagbubukas ng plenary assembly.
Samantala, personal na inihatid ni Cardinal Pietro Parolin, Vatican Secretary of State, ang pagbati ng Santo Papa at ipinagkaloob ang Apostolic Blessing bilang tanda ng komunyon at kapayapaan.
Binigyang-diin sa mensahe ng Santo Papa ang kalagayan ng milyun-milyong Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa, at hinimok ang mga mananampalataya na alagaan ang isa’t isa at ibahagi ang kanilang biyaya, at maglingkod sa mas malawak na pamayanang Kristiyano.
















