KALIBO, Aklan—Tuluyang humina at lubusang naapektuhan ang purchasing power ng mamamayan sa nagpapatuloy na tensyon sa gitna ng Estados Unidos, Israel at Iran.
Ayon kay geopolitical analyst Professor Anna Malindog-Uy, ito ang pangunahing epekto ng karahasan sa Middle East kung saan, wala nang kakayahan ang mamamayan na sustentuhan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Kasunod rin ito sa nakaambang malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo na may domino effect sa mga pangunahing bilihin sa merkado.
Ang presyo ng langis aniya ay tumataas ngunit ang sahod ng mga manggagawa ay nananatiling mababa kung kaya’t lumiliit din ang kanilang purchasing power at hindi na mabili ng mga ito ang kanilang mga pangangailangan kahit ang pagkain ay hindi na sapat para sa buong pamilya.
Ang tensyon sa Middle East ay may malaking impact sa ekonomiya ng bansa lalo na kung magpapatuloy pa ito at walang makuhaan ng supply ng langis ang bansa.















