-- Advertisements --

Tiniyak ng Malakanyang na ginagawan ng paraan ng pamahalaan ang repatriation ng mga Pilipinong gusto nang umuwi sa Pilipinas sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Ito’y kahit pa nga nag-aalala si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kaligtasan ng mga OFW na maaaring maipit sa gulo habang bumibiyahe.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, batay sa pinakahuling ulat ng Department of Migrant Workers, ngayong araw ay mayroong 16 na OFWs ang bumiyahe mula Tel Aviv patungong Eilat na hangganan ng Egypt sa pamamagitan ng pagtawid sa Taba border. 

Sasakay anya ang mga ito sa Cairo patungong Muscat at mula doon patungong Maynila sa March 11. 

Binanggit rin ni Castro na mayroong 20 OFWs sa Dubai na may 9 ma dependents ang bibiyahe rin mula Dubai patungong Oman sa pamamagitan ng pagtawid sa Khatmat-Milaha border sa northern Oman. 

Mula sa Omani border ay bibiyahe ang mga ito sa Muscat at doon rin sasakay ng eroplano patungong Mqynila bukas, March 10.

Sabi ni Castro, may commercial flight booking rin ng OFWs sa Emirates Airlines mula sa Dubai at charted flight mula Riyadh patungong Pilipinas na posibleng umalis sa March 14.