-- Advertisements --
Nagtala ng all-time low ang halaga ng Peso kontra sa US dollar.
Base sa Bankers Association of the Philippines (BAP) nagsara ang palitan na ang isang dolyar ay katumbas ng P59.50.
Nahigitan nito ang naitalang pagbagsak ng piso noong Enero 15 na umabot ng P59.46 kada dolyar.
Bago kasi ang pag-atake ng US at Israel sa Iran ay bahagyang nakabawi ang Peso na umabot sa P57.51 noong Pebrero 25.
Dahil dito ay mahihirapan na makabili ng langis dahil magiging mas mahal ito ngayon kung saan dolyar ang presyo ng langis.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ayaw niyang umabot ang Peso sa P60 kada dolyar.















