Nakisangguni si Iranian President Masoud Pezeshkian kay Pakistani Interior Minister Mohsin Naqvi sa Tehran sa gitna ng pagsisikap ng Pakistan at Qatar na muling buhayin ang negosasyon sa pagitan ng Iran at United States.
Ang naturang pagbisita ni Naqvi ay kanya nang ikaanim na pagtungo sa kabisera ng Iran mula nang sumiklab ang giyera ng US at Israel laban sa bansa noong Pebrero, kasunod ng ulat ng Tehran ukol sa natanggap nitong intelligence na nagbabalak ng panibagong pag-atake ang Amerika.
Ipinahayag naman ng top security official ng Iran na si Mohsen Rezaei na naghain sila ng pitong bagong kondisyon sa administrasyong Trump upang muling simulan ang usapang pangkapayapaan at buksan ang Strait of Hormuz matapos mabigo ang naunang kasunduan.
Samantala, lumipad naman patungong New York si Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi para dumalo sa UN General Assembly matapos gumawa ng mabilis na stopover sa Qatar upang makipag-usap sa mga opisyal ukol sa panukalang maikling kasunduan o diyalogo sa Washington.
















