-- Advertisements --

Nakabalik na sa Pilipinas ang 90 na mga overseas Filipino workers (OFW) kasama ang kanilang pamilya na galing sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) na dumating ang mga OFW nitong gabi ng Marso 8 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Binubuo ito ng 33 na mga OFW na sinamantala ang alok ng gobyerno para sa pagpapalikas habang ang iba ay mga OFW na na-stranded sa Dubai.

Sinalubong sila ng mga opisyal ng DMW sa pangunguna ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac at mga personnel ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Mula pa noong Marso 5, ay nasa 399 na mga OFW at 12 OFW dependents ang ligtas na nakabalik sa bansa dahil sa patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Iniulat din ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong 11 Filipino ang ligtas na nakalabas sa Iran at sila ay dinala sa Turkiye .
Habang patuloy na tinutulungan ng DFA ang nasa 800 na Filipinos sa Iran.