-- Advertisements --

Plano ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na makipag-partner sa mga ahensya ng gobyerno at civil society groups upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo sa mga mahihirap.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, layon ng mga partnership na matiyak na ang mga programang para sa mamamayan ay maiparating sa tamang benepisyaryo at masubaybayan nang maayos, lalo na para sa pinakamahihirap.

Sinabi rin niyang magsisilbing plataporma ang National Social Action General Assembly (NASAGA) 2026 sa Pebrero para sa dayalogo sa pagitan ng simbahan at mga opisyal ng gobyerno.

Samantala, sinabi ni CBCP President Archbishop Gilbert Garcera na bukas siyang makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang talakayin ang mga inisyatibang makabubuti sa sambayanang Pilipino.

Nauna nang kinondena ng CBCP ang umano’y katiwalian sa flood control projects at nanawagan na ibalik ang pondong ninakaw mula sa taumbayan.