Nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Washington, D.C. sa gobyerno ng Amerika sa gitna ng banta ng pag-atake ng Iran sa California.
Kinumpirma ito ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez.
Ginawa ng envoy ang pahayag kasunod ng ulat ng international media, kung saan sinabi ng Federal Bureau of Investigation sa isang report noong Pebrero 2026 na nagpaplano ang Iran na magsagawa ng surprise attack laban sa hindi tinukoy na targets sa California sakaling maglunsad ng strikes ang US laban sa Iran.
Noong Miyerkules, nagbabala rin ang FBI sa California police kaugnay sa posibleng mga pag-atake.
Ayon naman sa Los Angeles County Sheriff’s Department, naka-heightened alert na sila simula nang sumiklab ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.
















