-- Advertisements --

Nagbigay ng babala ang Philippine Embassy sa Washington ukol sa maling impormasyon na kumakalat sa social media na nagsasabing may bagong mga paghihigpit ang Estados Unidos laban sa mga dual citizens at green card holders.

Screengrab from @Philippine Embassy in Washington DC, USA / FB

Ayon sa embahada, walang pagbabago sa mga patakaran ng Amerika ukol sa dual citizenship o mga karapatan ng mga lawful permanent residents.

Pinayuhan naman ang mga Filipino na huwag magdesisyon ng mag-isa, tulad ng pagpapawalang-bisa ng kanilang Philippine citizenship, base lamang sa mga hindi beripikadong impormasyon mula sa social media.

Hinimok din ng embahada ang Filipino community sa Estados Unidos na tiyakin na ang mga impormasyong nakukuha ay galing lamang sa opisyal sources ng gobyerno at iwasang magbahagi ng mga hindi tama o hindi pa na-verify na content.