-- Advertisements --
Patay ang isang lalaki matapos na tinangkang pasukin ang secured perimeter ng Mar-a-Lago residence ni US President Donald Trump sa Palm Beach, Florida.
Ayon sa US Secret Service na wala sa lugar ang pangulo at ito ay nasa Washington, DC ng mangyari ang insidente.
Base imbestigasyon, kinompronta nila ang lalaki sa Palm Beach County Sheriff office kung saan may bitbit itong shotgun at petrol canister.
Pinababa nila sa lalaki ang dala nito subalit tanging ang lat lamang ang binaba nito subalit tinangka nitong barilin ang mga otoridad.
Para maprotektahan ang kanilang sarili ay agad nilang binaril ang suspek.
Patuloy na kinikilala ng mga otoridad ang suspek at maging ang motibo nito.
















