Itinakda sa buwan ng Mayo ang pagdeklara bilang Minor Basilica ang Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño sa Tondo , Manila.
Gaganapin ito sa Mayo 11, 2026 dakong alas 2 ng hapon kung saan pangungunahan ito ni His Execellency Charles John Brown, ang Apostolic Nuncio to the Philippines at si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Inilabas ang decree na nagdedeklara ang nasabing simbahan bilang minor basilica noong Nobyembre 9, 2025 kasabay ng kapiyestahan ng Dedication of the Lateran Basilica sa Roma.
Ang nasabing simbahan ay doon matatagpuan ang pangalawang pinakalumang imahe ng Santo Nino sa bansa kasunod ng Santo Nino de Cebu.
Paliwanag ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na ibinibigay ang pagiging basilica sa simbahan dahil sa kinikilala ng Santo Papa ang ganda, makasaysayang halaga at ang yaman ng paniniwala ng mga mananampalataya doon
















