KALIBO, Aklan — Kinumpirma ni Rev. Fr. Cyril Villareal na sa darating na Abril 23 dakong alas-9:00 ng umaga sa St. John The Baptist Cathedral gaganapin ang Episcopal Ordination and installion bilang Obispo ng bayan ng Kalibo.
Ito aniya ang naging desisyon ng Board of Consultors ng Diocese of Kalibo sa isinagawang pulong na pinangunahan ni Capiz Archbishop Victor Bendico, ang tumatayong apostolic administrator ng Kalibo, kasunod ng pagretiro ni Bishop Jose Corazon Tala-oc.
Pangungunahan ni Archbishop Bendico ang pag-ordina katulong bilang mga co-consecrator sina Bishop Tala-oc at Romblon Bishop Narciso Abellana.
Inaasahang magbibigay rin ng mensahe sa seremonya si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, dating arsobispo ng Capiz kung sa saan nagsilbing vicar general si Bishop-elect Villareal.
Matapos ang ordinasyon ay agad siyang itatalaga sa cathedral ng diocese , isang senyales ng kanyang pormal na pagsisimula ng paninilbihan sa halos kalahating miyong katoliko sa lalawigan.
Sa kabilang daku, kahit na nakaramdam ng pangamba ag agam-agam noong una, naniniwala si Rev. Fr. Villareal na kagustuhan ng Diyos ang pagkakatalaga sa kanya dahilan na buong puso niyang tinanggap ang bagong misyon na ibinigay sa kanya ng simbahan.
Matatandaan na noong Enero 24 ay itinalaga ni Pope Leo XIV si Bishop-elect Villareal bilang obispo ng Kalibo na nanatiling sede vacante simula noong June 2025 matapos tanggapin ng Santo Papa ang pagretiro ni Bishop Tala-oc.
















