-- Advertisements --
Tinamaan ng drones ng Iran ang pinakamalaking pantalan at Fujairah oil storage facility ng United Arab Emirates.
Kasama rin nilang tinamaan ang international airport ng Dubai.
Dahil sa pangyayari ay sinuspendi ang mga biyahe dahil sa pagkasunog malapit sa paliparan.
Maging ang mga pantalan at industrial zone sa Fujairah ay nagtamo ng matinding sunog sa lugar.
Patay naman ang isang Palestinian national sa Abu Dhabi dahil sa rocket attack ng Iran.
Ito na ang pangatlong insidente mula ng sumiklab ang kaguluhan sa UAE.
Naharang naman ng UAE air defense systems ang anim na ballistic missiles at 21 drones mula sa Iran.
















