-- Advertisements --

Sinabi ni Novaliches Bishop Teodoro Bacani na may pag-asa pang maibalik ng mga kongresista ang tiwala ng mga Pilipino sa kabila ng kontrobersiya sa umano’y katiwalian sa flood control projects.

Sa kanyang homilyo noong Enero 28 sa isang eucharistic celebration na inorganisa ng House of Representatives sa pangunguna ng tanggapan ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, sinabi ni Bacani na ang susi ay pagsisisi at tapat na paglilingkod sa taumbayan.

Binigyang-diin ng obispo na nararapat lamang na ibigay ng mga mambabatas ang serbisyong karapat-dapat sa mamamayan, at paalala ang aral ni St. Francis na ang dangal ay nagmumula sa pagbibigay at paglilingkod.

Kaugnay ng patuloy na isyu sa flood control projects, hinikayat ni Bacani ang mga kongresista na maglingkod nang may pagmamahal at walang pansariling interes, na aniya’y “daan tungo sa kadakilaan.”

Idinagdag pa niya na ang Katolisismo ay relihiyon ng ikalawang pagkakataon, na nananawagan ng pagbabago at bagong simula.

Ang misa ay bahagi ng spiritual and values formation program ng House of Representatives. (report by Bombo Jai)