-- Advertisements --

Kinalampag ng labor group ang House of Representatives na agad ipasa ang panukalang batas na magtataas sa minimum wage sa ₱1,200 sa buong bansa.

Nitong Lunes, nagmartsa patungo sa Kamara ang Kilusang Mayo Uno (KMU) para ipanawagan ito. Bitbit ng mga nagprotesta ang mga plakard na may nakasulat na “Sahod itaas, presyo ibaba!” at “Ipaglaban ang national minimum wage.”

Ayon kay Salvador Carranza ng National Federation of Labor Unions, hindi sapat ang kasalukuyang sahod ng mga manggagawa lalo na sa araw-araw na pamasahe at pang-araw-araw na gastusin ng pamilya sa gitna ng pagtaas ng mga presyo.

Ang iminungkahing ₱1,200 “family living wage” ay batay sa pangangailangan ng isang pamilyang may limang miyembro upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.