-- Advertisements --

Ligtas ang 40 Pilipinong seafarers na sakay ng Panama-flagged bulk carrier na first margaux na bumangga sa isang Chinese fishing vessel sa Singapore strait noong Setyembre 17.

Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Hans Cacdac, wala pang naitatalang nasugatan sa 40 Filipino seafarers na sakay ng cargo ship.

Patuloy namang kumukuha ng impormasyon ang DMW, kabilang ang detalye ng licensed manning agency, habang nakumpirma na ang pagkakakilanlan ng lahat ng 40 seafarers.

Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad sa Singapore ang insidente.

Hindi pa malinaw kung may mga Pilipino rin sa Chinese fishing vessel.

Samantala, sinabi ng DMW na patuloy nitong pinapalakas ang proteksyon sa mga Filipino seafarers at nagbibigay ng libreng repatriation, lalo na sa mga lugar na itinuturing na high-risk.