Iminungkahi ni retired Supreme Court Associate Justice Arturo Brion si Associate Justice Jose Midas Marquez bilang susunod na Chief Justice sa pamamagitan ng isang liham sa Judicial and Bar Council (JBC) at Chief Justice Alexander Gesmundo noong Setyembre 4, 2026.
Ipinagmalaki ni Brion ang malawak na track record at dedikasyon ni Marquez sa pampublikong paglilingkod, lalo na ang mga naging ambag nito sa pamamahala ng hukuman noong siya pa ang Court Administrator.
Ito na ang ikalawang nominasyon para kay Marquez matapos din siyang inomina ng Association of Retired Regional Trial Courts of the Philippines noong Setyembre 1, bagama’t hindi pa niya pormal na tinatanggap ang mga ito.
Nagsimula ang pagtanggap ng JBC ng mga nominasyon dahil nakatakdang magretiro si Chief Justice Gesmundo sa darating na Nobyembre 6, 2026.
Kaugnay nito, inanyayahan na rin ng JBC ang limang pinakamatatagal na Associate Justices na sina SAJ Marvic Leonen, at AJ Alfredo Benjamin Caguioa, Ramon Paul Hernando, Henri Jean Paul Inting, at Rodil Zalameda upang mag-aplay para sa puwesto.
Ayon kay SC spokesperson Atty. Camille Ting, ang pag-imbita sa limang pinakamataas na miyembro ng Korte Suprema ay isang pormal na patakaran at tradisyon ng JBC bilang pagkilala sa kanilang seniority at serbisyo sa judiciary.













