-- Advertisements --

Hindi lahat ng mahistrado ng Korte Suprema na itinalaga noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay bumoto para ibasura ang hiling ni Senador Ronald dela Rosa na pagpapatupad ng arrest order ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

Batay sa inilabas na resolusyon ng Korte Suprema, lima sa Duterte appointees ang bumoto pabor sa pagbigay ng temporary restraining order (TRO) kay Dela Rosa. Kabilang dito sina Associate Justices Ramon Paul Hernando, Amy Lazaro-Javier, Henri Jean Paul Inting, Ricardo Rosario, at Antonio Kho Jr.

Samantala, ang siyam na mahistradong bumoto para ibasura ang hiling ni Dela Rosa na Duterte appointees ay sina Chief Justice Alexander Gesmundo, Rodil V. Zalameda, Samuel H. Gaerlan, Jhosep Y. Lopez, Jose Midas P. Marquez, at Maria Filomena D. Singh.

Sina Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, at Associate Justices Benjamin S. Caguioa naman ay kapwa appointees ng yumaong si dating Pangulong Benogno Aquino III habang si Raul B. Villanueva naman ay appointee ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tanging si Associate Justice Japar B. Dimaampao, na Duterte appointees ay nakaleave noong inihain ni bato ang mosyon.

Dahil sa pagbasura sa TRO, inatasan ng Department of Justice ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation na ipatupad ang arrest warrant ng ICC laban kay Dela Rosa.

Sa ngayon, hindi pa naaaresto o sumusuko si Dela Rosa.