-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatapos na ng La Niña phenomenon.
Ayon sa PAGASA, na ang kondisyon ng karagatan sa Pacipiko ay balik sa ENSO-neutral.
Ang nasabing kondisyon ay magtatagal ng hanggang kalagitnaan ng taong 2026.
Dagdag pa ng PAGASA, na kahit wala na ang La Niña ay makakaranas pa rin ang bansa ng mga pag-ulan mula sa ilang weather at climate system na maaaring magdulotng flash floods at landslides sa ibang mga lugar.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging mapagmatyag para maiwasan ang anumang matinding epekto ng panahon.
Una ng sinabi ng PAGASA na asahanang nasa apat hanggang 11 mga bagyo ang papasok sa bansa mula Pebrero hanggang Hunyo 2026.
















