Inaasahang masisilayan ang iba’t-ibang astronomical events sa malawak na kalangitan ngayong buwan ng Nobyembre ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical Services Administration o PAGASA.
Ayon pa sa PAGASA, ilan sa mga constellation na makikita sa buong buwan ay ang Northern constellations tulad ng Cepheus, Cassiopeia, Andromeda, Pegasus, at Pisces. Kasama ring masisilayan ang southern constellations tulad ng Tucana, Grus, Phoenix, Sculptor, at Aquarius.
Pinakamainam naman na maobserbahan ang mga constellation ng alas-nuebe ng gabi, kapag nasa highest position na ang mga ito sa kalangitan.
Mananatili namang visible o tanaw ang constellations sa buong magdamag hanggang marating ng mga ito ang western horizon bago magbukang-liwayway o bago pa sumikat ang araw, dagdag pa ng PAGASA.
Inaasahang masisilayan ang pambihirang celestial sea constellation sa buong Nobyembre, tulad ng Capricorn, (Sea of goat) Aquarius (water Bearer) Pisces (The fishes) Cetus ang sea monsters, at maging ang Eridanus o ang river.
Ngayong gabi naman, Nobyembre 2, makikitang magmumukhang malapit ang crescent moon sa Mars sa constellation ng Leo.
Habang bukas naman ng gabi, Nobyembre 3, makikita naman sa kalangitan na malapit ang crescent moon sa Jupiter.
Samantala, nagbigay naman ng abiso ang PAGASA, na maaaring hindi makita ang ilang celestial bodies sa mga lugar na laganap ang light pollution.















