Tumaas pa ang bilang ng mga probinsiyang inaasahang maaapektuhan sa pananalasa ng bagyong basyang, batay sa Critical Cyclone Track Chart ng Department of Interior and Local Government (DILG) Central Office Disaster Information Coordinating Center.
22 probinsiya ang saklaw ng 190-km diameter ng naturang bagyo at inaasahang makakaranas ng hanggang 65 kph na hangin (Alert Level Bravo – Orange).
Kinabibilangan ito ng mga probinsiya ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Antique, Bohol, Bukidnon, Camiguin, Cebu, Davao de Oro, Davao Oriental, Guimaras, Iloilo, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Negros Occidental, Negros Oriental, Palawan, Siquijor, Southern Leyte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Zamboanga del Norte.
Makakaranas ang mga naturang probinsiya ng heavy to intense rains dahil sa bagyo.
Aabot naman sa 19 probinsiya ang saklaw ng 450-km diameter ng ng naturang bagyo na inaasahang makakaranas ng 55kph na hangin at moderate to heavy rains.
Kinabibilangan ito ng mga probinsiya ng Aklan, Batangas, Biliran, Capiz, Cotabato, Davao del Norte, Davao del Sur, Dinagat Islands, Eastern Samar, Lanao del Sur, Leyte
Maguindanao, Masbate, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Samar, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.
Sa kabuuan, hanggang 41 probinsiya ang posibleng makaranas ng malawakang apekto ng bagyong Basyang, ngunit hindi pa rin inaalis ang posibilidad na mas tataas pa ito, habang papalapit ang bagyo sa kalupaan ng bansa.
















