Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palalakasin ang healthcare system sa bansa.
Ito’y matapos sinabing naglaan ang gobyerno ng P549 bilyong pondo para sa mas maayos na pasilidad, kagamitan, at health professionals, lalo na sa mga lugar na kulang ang serbisyong medikal.
Ayon sa Pangulo, mahigit P427 bilyon ang nakalaan para sa Department of Health at PhilHealth, higit P13 bilyon para sa specialty hospitals, halos P9 bilyon para sa ospital ng DND at PNP, at P98 bilyon para sa health programs ng LGUs.
Halos P1 bilyon naman ang inilaan para sa medical scholarships, at P1.4 bilyon para sa medical assistance at zero balance billing sa PGH.
Nagbigay din ang Pangulo ng P15 milyon para sa Baseco Hospital at bumisita sa OMMC, na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng benepisyaryo sa PhilHealth’s Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP).
Binigyang-diin ng Pangulo na bukas ang serbisyong ito para sa lahat, lalo na sa higit na nangangailangan.
















